~ // FAITHYLICIOUSSSSS.
Nothing. Just blogging.

A gift from him. ❤

Meet Giorgio. =)

tags → #Binn #text post #Love 

Wow.

Pangarap ko na lang daw mag asawa. Wow. E bakit niyo pa ako pinag aaral?

tags → #text post 

Realtalk #4: To all parents, COMPARISON SUCKS!

image

Yeah. Masakit makumpara. Lalo na pag ikaw lagi yung kawawa. Kahit alam ng magulang mo na better yung ikinukumpara nila sayo. Lagi silang naghahanap ng mas mabait, mas masipag, mas responsible, mas maganda, mas matangkad, mas matalino, at lahat ng “mas” na positive. Para bang wala silang nakikitang maganda sayo. Ikaw at ikaw lang ang negative, at laging ikaw yung negative. Mahirap bang sabihin, kahit pampalubag loob lang na “Hindi nga kagandahan ang anak ko, pero may ibubuga naman ang utak niya.” O di naman kaya “Kahit ganyan yan, anak ko yan. At proud ako sa kanya.” Yung tipong may napanalunan ka na hindi related sa academics, ni hindi ka man lang nabati na “Ang galing galing talaga ng anak ko.” O kaya “Proud ako sayo!” o kaya din kahit thumbs up lang. Okey na okey na. Lalo kung pinaghirapan mong mapanaluhan yung bagay na yun. Tapos wala man lang congratulations. O kaya “Ang ganda naman ng anak ko.” Sabay ngiti. Hindi niyo ba pwedeng gawin yun?

Masakit. Lalo na kung puro na lang negative ang nakikita sayo. Nasasaktan din kami. Kahit pabiro. Lalo na kung paulit ulit. Papalapitin ka pa, tapos para kang ipinahiya dahil sinabi niya na “O, sinong mas maganda, diba siya?” Ouch. Hehe. Ang galing ah. Sa ibang tao mo pa sinabi. Thank you.

Nakakababa ng self esteem.

Nakakababa ng self confidence.

Nakakababa ng tingin sa sarili.

Nakakababa ng loob.

Sana wag niyo na kaming ikumpara sa iba. Lalo na kung alam niyong kami yung talo. Mas pinapansin ninyo ang kagandahan ng iba kesa sa kagandahang mayroon yung anak ninyo. IBA IBA LAHAT NG TAO. E ano kung better siya? Kanino ba nagmana ang anak mo? Diba sayo rin naman? Tapos ibababa mo ang loob niya? Wag pong ganun.

Masakit. Sobrang sakit. Sana naiisip niyo yun. Salamat.

Mt. Pico de Loro. :D

Nganga. Saya e. :D

Realtalk #3: Ako, bilang anak.

Alam mo yung preso ka ng standards nila? Ang hirap. Ginagawa ko naman lahat para maging isang mabuting anak. (Hindi ako santo, ginagawa ko yun sa paraang kaya ko). Bakit ganun? Hindi nila ako maintindihan. Lagi na lang sila ang tama. Laging ako yung talo. Para bang wala akong karapatang magsalita. Tagasunod na lang habangbuhay. Hindi pwedeng lumaban ng todo dahil sa utang na loob. Ganun ba talaga? Napakahirap.

Sabog na sabog na ako sa expectatios ng tao sakin. Tangina. Sobrang galing ko na ba? Dapat pala hindi na lang ako nagpakita ng kahit na anong kagalingan para hindi sila nag eexpect ng ganito sakin. Ansakit kasi. Wala akong karapatang bumagsak o matalo sa laban. Dapat, go lang ng go. Dapat striving for perfection lagi. Dapat laging nangunguna. Hindi ba nila naiintindihan na hindi ganun ang anak nila? Isa lang akong normal na estudyante. Bumabagsak din.

Minsan nga naisip ko na sana goldfish na lang ako para simple lang ang buhay. Kakain. Lalangoy. Dudumi. Simple lang, pero napapasaya mo yung mga taong nanunuod sayo. Ang tanging expectation lang ay mabuhay ka haabang pinapakain ka nila.

Hindi ako GC. Hindi ko gusto ang pinkuha sakin. Wala sa pangarap ko ang pagiging engineer. Pero dito ako napunta. Ang hirap. Tapos ineexpect nila na magiging magaling din ako. Alam mo yun?

Nakakainis. Nakakulong na ako sa expectations ng tao. I SHOULD BE LIKE MY FATHER. Lagi na lang. Putangina. Hirap naa hirap na ako para lang maging kagaya niya. O kung hindi man ako maging kagaya niya, DAPAT MALAGPASAN KO PA SIYA. Ganun. Ganun ang expectation ng mga tao sakin. KIalalang magaling na empleyado si papa sa kanilang kumpanya. At dapat mmaging ganun din ako. AYOKO NA! Gusto ko nang sumuko. Napakagaling kasi ni papa (HINDI AKO SARCASTIC, TOTOO YUN) at kailangan maabot ko yun. 

Bakit ko pa pinagpapatuloy ang pagiging ECE? Dahil kay mama. Natatakot akong saktan yung mama ko. Ayokong nalulungkot siya kaya sarili ko na lang ang pinapahirapan ko. Lahat gagawin para lang makapasa at makagraduate sa tamang oras. Wala naman talaga akong pakialam kung bumagsak ako. Basta meron akong natutunan. Pero ang hirap. Hindi nila ako iniintindi. Mahal ko rin ang papa ko. Pero sobrang pressured na talaga ako e. Sobrang hirap maging anak nila.

Tuwing maglalabas ako ng sama ng loob sa kanila, at napapataas na ang tono ko, sasampalin lang ako. Kung malumanay naman, tatawanan lang ako. Nakakapanghina. Ang tanging paraan na lang para mailabas ko tong sama ng loob ay maagsulat sa literal na kahulugan. At umiyak habang pinipigilan ang pag hikbi.

  1 year ago reblog  

Stuck In The Moment. #LSS

Now Romeo & Juliet
Bet they never felt the way we felt
Bonnie & Clyde
Never had to hide like 
We do
We do

You and I, both know it can’t work
It’s all fun and games
'Til someone gets hurt
And I don’t, 
I won’t let that be you

Now you don’t wanna let go
And I don’t wanna let you know
That there might be something real between us two
Who knew
Now we don’t wanna fall but
We’re trippin’ in our hearts 
And it’s reckless and clumsy
Cause I know you can’t love me here

I wish we had another time
I wish we had another place
But everything we have is stuck in the moment
And there’s nothing my heart can do 
To fight with time and space cause
I’m still stuck in the moment with you

See like Adam & Eve
Tragedy was a destiny
Like Sonny & Cher
I don’t care
I got you baby

See we both
Fightin’ every inch of our fibers 
Cuz aint no way it’s gonna end right but
We are both too foolish to stop

Now you don’t wanna let go
And I don’t wanna let you know
That there might be something real between us two
Who knew
And we don’t wanna fall but
We’re tripping in our hearts 
And it’s reckless and clumsy
And I know you can’t love me here

I wish we had another time
I wish we had another place
But everything we have is stuck in the moment
And there’s nothing my heart can do 
But fight with time and space cause
I’m still stuck in the moment with you

See like
Just because this cold, cruel world say we can’t be
Baby we both have the right to disagree
And I ain’t with it
And I don’t wanna be so old and gray
Reminiscing ‘bout these better days
But convince just telling us to let go
So we’ll never know

I wish we had another time
I wish we had another place
Cause everything we did
And everything we have is stuck in the moment
Yeahhhh

I wish we had another time
I wish we had another place
(Oh no no)
But everything we have is stuck in the moment
And there’s nothing my heart can do
(Nothing my heart can do)
To fight with time and space 
(And space)
I’m still stuck in the moment with you

Yeah

image

*the lyrics*

  1 year ago reblog  
tags → #SongOfTheDay #LSS 

Realtalk #2: Usapang lovelife; Best partner.

Nakita mo na ba…

  • Yung taong kahit alam mong ganyan ka lang, e iniisip niya pa ring napakaswerte niya at ikaw ang minahal niya?
  • Yung taong handa kang ipaglaban?
  • Yung taong handang tumaliwas sa iba patunayang mahal ka niya?
  • Yung taong pinaparamdam sayo na you’re worth everything?
  • Yung hindi mo na kailangang magpretend para matanggap ka niya?
  • Yung handang lunukin yung pride niya dahil mas mahalaga ka kesa sa ego niya?
  • Yung takot na mawala ka?
  • Yung hindi nabobored sa nonsense na sinasabi mo?
  • Yung walang pakialam sa itsura mo?
  • Yung naaappreciate niya kahit mga simpleng bagay na ginagawa mo?
  • Yung malaki ang respeto sayo?
  • Yung hindi kayang makatagal na may tampuhan kayo?
  • Yung COMFORT ZONE mo?
  • Yung taong dahilan ng emosyon mo?
  • Yung gusto mong makasama sa habang buhay?
  • Yung ikaw at siya lang, wala nang iba.

image

Siya na `yun. Wag mo siyang papakawalan.

  1 year ago reblog  
tags → #RealTalk 

REALTALK #1: BED Weather nga ba PARA SA LAHAT?

Tag-ulan na naman.

Busy ang mga estudyante sa paghihintay ng announcement ng suspension sa Twitter, FB, at iba pang networking sites. Isa ako sa mga estudyanteng iyon. Scroll. Basa. Favorite. Scroll. Basa. Scroll. Habang binabasa ko ang mga tweets na pinopost ng kung sino sinong fina-follow ko, napansin kong number one sa trending list ang “#BedWeather”. Napangisi ako. Dahil totoo naman talaga. Tuwing bumabagyo lang nararanasan ng ibang estudyante na magpahinga. May point din naman sila, dahil nakakapagod nga naman talaga ang 6 days na pasok sa isang linggo. Kaya dasal na dasal silang lumakas pa ang ulan para humaba pa ang suspension. 

At eto na nga, suspended na ang mga klase. Napakasarap humiga at matulog. Napakakumportable sa pakiramdam dahil malamig. Sa ganitong mga panahon din yung pakiramdam na para bang minamagnet ka ng higaan mo. Yakap si unan. Talukbong sa kumot. Sarap ng buhay nating may mga maayos na bahay.

Pero di rin ba natin naiisip…

Paano na yung mga binabaha na? Yung mga inanod na yung bahay? Yung paapaw na dam? Yung mga nasa evacuation center?

Minsan, natatakpan na ng sarili nating pangangailangan yung pagtingin natin sa ibang bagay na mas kailangang bigyan ng pansin. Parepareho tayong hirap sa sarili nating mga kalagayan. Pero mas nahihirapan pa din sila. Yung iba sa kanila, hindi na alam ang gagawin. Sobrang baha at, walang matinong bahay. Nakakatuwa ba?

Magkaroon sana tayo ng sense of others. Wag nang magdasal na umulan pa ng mas malakas. Kung tayo kaya sa kalagayan nila, bed weather pa rin ba ang feeling natin?

  1 year ago reblog  
tags → #RealTalk 
tags → #faithyy 

Scared as sh** to inform my parents.

HERE’S MY GRADES. :)

Sa pangalawang pagkakataon, dalawang tumatagingting na 5.00 ang nakapost sa E Learning.

2 BAGSAK. Differential Calculus and Physics Lecture. Thanks kay Lord, dalawa lang. Hehe.

Hindi ako nahihiyang ipakita ito. In fact, I’m proud with my grades kahit may bagsak.

Bakit? Ito ang bunga ng pagsisipag ko. Ng pagpupuyat. Ng brainstorming. Ng napakaraming times ng knowledge overload.

Mahina talaga ako sa Calculus. Madalas akong mangopya niyan sa isa kong kaklase dati. Tinawag pa nga siya ng isa kong tropa na Mr. Calculus e. Kilala mo kung sino ka. Thanks sayo, di ako nagka line of 7 sa Calculus.

Physics? Masakit dahil iyan ang paborito kong subject. Yung subject na pinakamamahal ko, mukhang nanlamig na sa akin. Nangaliwa siya. Ayun, bagsak tuloy. Huhu. :’(

HINDI AKO TAKOT BUMAGSAK. WALA AKONG PAKIALAM SA GRADES KO. 

Ang kinakatakutan ko, ay yung reaksyon ng mga magulang ko. Malulungkot na naman sila. Sa kanila lang ako nahihiyang ipakita ang mga bagsak ko. Para bang hindi ko mapantayan yung effort nila sa pagtatrabaho para lang makabayad ng mahal na tuition dahil sa mga bagsak na ito. (Oo, mahal ang tuition fee sa Adamson.)  :(

Looks like my effort is not enough. Kailangan pang doblehin o triplehin. HINDI para pumasa, kundi para MATUTO. Hehe.

Share lang. Sakit sa puso solohin e. Still finding the courage na ipaalam kila mama at papa. </3

  1 year ago reblog  

Sa STOLEN SHOT talaga nakikita ang TUNAY NA MUKHA.

  1 year ago reblog  

Wasted Opportunity. :(

Ayun, nag audition ako for being a Sponsor sa ROTC. Pasok na sa first screening e. Nahiya lang sa talent portion. Huhu T~T

  1 year ago reblog  
Out of boredom. 

Out of boredom. 

tags → #bored #gif 

Out of words.

Gusto ko talaga magsulat ng mahahabang essays dito sa Tumblr. Gusto ko mag compose ng at least three paragraphs pag gumagawa ako ng post. Kaso hindi ko talaga magawa kasi nauubusan ako ng salita. Diba? Alam niyo naman na sakit ko na to. Hay. Wala e, mahina sa words. May masabi lang. LOL.

  1 year ago reblog  
tags → #text post 
Katabi mo?

Family member. Nasa bandang gitna ako nakaupo e. LOL =))

  1 year ago reblog